BABALIK na sa pag-arte ang beauty queen na si Miss Universe Philippines Michelle Dee matapos ang Miss Universe pageant journey nito.
Ayon sa aktres-turned-beauty queen, mapapanood siya sa isang special role sa isang show.
Kababalik lang ni Dee sa Manila nitong weekend matapos ang stint sa Miss U sa El Salvador kung saan nakapasok siya sa top 10 at nanalo ng apat na awards kabilang na ang Best National Costume.
Matatandaan na bago naging beauty queen ay naging modelo at artista muna si Dee.
Kabilang sa mga pelikulang ito ang ‘Mga Lihim ni Urduja’ at ang Philippine adaptation ng Korean movie na ‘Keys to Heart’ sa Netflix.