Michelle Dee, muling nagsuot ng Apo Whang-Od gown sa kaniyang homecoming

Michelle Dee, muling nagsuot ng Apo Whang-Od gown sa kaniyang homecoming

DESERVE nga ni 2023 Miss Universe Philippines Representative Michelle Dee na maging Tourism Ambassador ng Pilipinas!

Patunay rito ang pagsuot niya ng isang gown sa kaniyang homecoming event noong Linggo, Disyembre 10 kung saan inspired muli ito sa pinakahuli at pinakamatanda na mambabatok ng Pilipinas na si Apo Whang-Od.

Ang gown na binuo ng bodice na may black embroideries sa sleeves ay sumisimbolo ng tattoos ni Whang-Od.

Dagdag pa sa disenyo ng gown ang white structured high collar, straight-cut pants, at flowy train.

Ang gown ay isang representasyon sa mga indigenous peoples ayon sa designer nito na si Mark Bumgarner.

Samantala, kung matatandaan ay hinirang ng Department of Tourism (DOT) bilang ambassador si Michelle.

Nagpasalamat naman si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco kay Michelle dahil sa suporta nito sa turismo ng Pilipinas nang sumabak sa Miss Universe dahil nga rin sa Apo Whang-Od inspired gown niya doon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble