SASABAK muli sa isang boxing match ang 57- years-old na si Mike Tyson kontra sa 27-years old YouTuber-boxer na si Jake Paul.
Gaganapin ito sa Hulyo 20 sa AT&T Stadium, Arlington, Texas.
Excited si Tyson para sa laban na ito dahil bagama’t mas bata sa kaniya si Paul, tinagurian naman itong isa sa pinakamagagaling na heavyweight boxers.
Si Paul, excited rin dahil aniya, history sakali mang matalo niya ang isa sa biggest icons ng boxing.