Miyembro ng CTG, sumuko sa mga awtoridad sa Oriental Mindoro

Miyembro ng CTG, sumuko sa mga awtoridad sa Oriental Mindoro

SUMUKO ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gloria, Oriental Mindoro.

Naging posible ang pagsuko ni alyas Ato sa tulong ng tropa ng 76th Infantry “Victrix” Battalion at mga pulis ng Bansud at Oriental Mindoro PNP sa Brgy. Malamig.

Si alyas Ato ay vice squad leader ng nabuwag na KLG ICM, Southern Tagalog Regional Party Committee.

Ibinaba rin niya ang isang M1 garand rifle.

Umaasa si 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Major General Roberto Capulong na tutularan ng natitirang NPA si alyas Ato na sumuko para sa kapayapaan, kaunlaran at katahimikan ng bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter