Most wanted person sa Caraga, nalambat ng CIDG

Most wanted person sa Caraga, nalambat ng CIDG

NAARESTO ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang most wanted person ng Caraga Region.

Ayon kay PNP CIDG director Police Major General Romeo Caramat Jr., kinilala ang akusado na si Joel Camansi Jino-o, 50 taong gulang at nahaharap sa kasong statutory rape.

Si Jino-o ay nahuli sa Abilan, Buenavista, Agusan del Norte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 1 ng Regional Trial Court sa Butuan City, Agusan del Norte nitong Oktubre 26, 2023, kung saan walang inirekomendang piyansa.

Dinala na ang akusado sa CIDG Regional Field Unit 13 para sa documentation at proper disposition bago tuluyang ibalik ang inilabas na warrant of arrest sa korte.

Tiniyak ni Major General Caramat na magpapatuloy sila sa paghabol sa mga nagkasala sa batas upang mapanagot sa nagawang krimen.

Follow SMNI NEWS on Twitter