Motorcade sa Isabela, idinaos bilang bahagi ng proclamation rally ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Motorcade sa Isabela, idinaos bilang bahagi ng proclamation rally ni Pastor Apollo C. Quiboloy

MAINIT ang ipinakitang suporta ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), grupong Philippine Anti-Crime Group (PNACG) at pribadong indibidwal sa Cagayan Valley Region sa isinagawang motorcade bilang pakikiisa sa nationwide proclamation rally ni PDP-Laban Senatorial Candidate at KOJC Leader Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kabilang sa mga supporter ni Pastor Quiboloy ang mga grupo mula sa lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Cagayan, at Isabela.

Ipinakinig ang masasayang campaign jingle na naglalaman ng mga adbokasiya ni Pastor Quiboloy, kasama na ang campaign posters sa mga pangunahing lansangan ng lungsod ng Cauayan, Rena Mercedes, Naguilan, Gamu at Ilagan City.

Bakas naman sa mga mukha ng publiko na nadaraanan ng motorcade ang pagtanggap sa kandidatura ni Pastor Apollo na nagdadala ng pagbabago sa bansa sa kaniyang plataporma na zero corruption.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble