MANANATILI sa isanlibong piso ang ipapataw na multa sa mga sasakyang ilegal na nakaparada.
Kasunod ito ng pagbasura ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukala ng Metro Manila Council sa ilalim ng kanilang joint Traffic Circular No. 01 kung saan mula sa isanlibo ay gagawing apat na libong piso ang multa sa mga lalabag.
Ayon sa Pangulo, batid nito ang layunin ng Metro Manila Council ngunit mas mahalaga aniya pagkakaroon ng disiplina para solusyunan ang trapiko.