HALOS nasa 15,000 front-liners ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines.
Sa huling datos ng AFP, nasa kabuuang 14,969 na military front-liners ang nabakunahan hanggang kahapon, Marso 11.
Naihatid na rin ang 39,000 dosis ng CoronaVac COVID-19 vaccines sa iba’t ibang military treatment facilities ( MTFs).
“The AFP’s delivery of the coronavirus vaccines is now in full gear in support of the government’s vaccination campaign against the COVID-19 pandemic. With the ongoing distribution and inoculation of our frontline personnel, we hope to contribute to the speedy restoration of normalcy in the country,” ayon kay AFP chief-of-staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana.
Nakatanggap ang 16 MTFs sa Luzon ng 30,600 dosis ng CoronaVac, kung saan 13,555 personnel ang nabakunahan.
Kabilang sa pasilidad sa National Capital Region ang V. Luna Medical Center, Camp Aguinaldo Station Hospital, Philippine Army General Hospital, Philippine Air Force General Hospital, at Manila Naval Hospital.
Mula sa Luzon ay ang Walace Air Station Medical Infirmary at Naval Station Ogbenar Medical Station sa La Union; Fort Del Pilar Station Hospital sa Benguet; Fort Magsaysay Station Hospital sa Neuva Ecija; Basa Air Base Hospital and Air Force City Hospital sa Pampanga; Camp Aquino Station Hospital sa Tarlac; Camp Guillermo Nakar Station Hospital sa Lucena; Cavite Navaol Hospital; Camp Elias Angeles Station Hospital sa Camarines Sur; at Naval Station Julhasan Arasain Medical Dispensary sa Albay.
Naihatid din sa Visayas ang 4,200 dosis sa limang MTFs na may 684 front-line personnel ang nabakunahan na.
Kabilang sa mga pasilidad ang Camp Peralta Station Hospital sa Capiz; Benito N. Ebuen Air Base Hospital, Camp Lapu-Lapu Station Hospital at Naval Base Rafael Ramos Medical Dispensary sa Cebu; at Camp Vicente Lukban Station Hospital sa Samar.
Anim na MTFs sa Mindanao ang nakatanggap ng 4,200 dosis na may 730 personnel ang nabakunahan.
Kabilang sa mga pasilidad ang Camp Evangelista Station Hospital sa Misamis Oriental; Camp Panacan Station Hospital sa Davao Del Norte; Camp Manuel T. Yan Sr Station Hospital sa Davao City; Camp Gonzalo H. Siongco Station Hospital sa Maguindanao; Camp Navarro General Hospital at Edwin Andrews Air Base Hospital sa Zamboanga del Sur.