UMABOT sa 756 katao na ang nabakunahan ng CoronaVac vaccine sa unang araw ng national vaccination program ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan sa nabakunahan ay mga healthcare worker.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 20 indibiduwal ang nakaranas ng salungat na reaksyon ngunit nalapatan ang mga ito ng lunas at nakauwi sa kanilang bahay sa parehong araw.
“Among the 20 individuals, they had minor and common symptoms after injection. There are those who experienced pain in their arm after the injection, there was one who experienced itchiness or rashes. There was another who experienced a headache after. One experienced nausea. And the others experienced hypertension,” ayon kay Vergeire.
Tiniyak naman ng mga health institution na siyang nangangasiwa ng bakuna na sinusunod ng mga ito ang partikular na proseso kabilang na ang pag-monitor ng hanggang 30 minuto ng mga nabakunahan na at pinaalalahanan na i-monitor ang kanilang kalusugan sa bahay.
“Babantayan po natin silang lahat, hindi lang po post-vaccination, but we will also monitor them for one year kasi alam po natin that these vaccines are still under development,” ani Vergeire.
Payo naman ni Vergeire na bago magpabakuna ay kailangan muna ng mabuting pahinga, pagkain ng almusal, at pagrerelaks.
“We understand the public that they get anxious or they have this fear of side effects before inoculation. That’s why we tell them to get ready before getting vaccinated,” ayon pa kay Vergeire.