Nabalitang pag-aresto kay FPRRD, dineny ng PNP

Nabalitang pag-aresto kay FPRRD, dineny ng PNP

WALANG ideya ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa umuugong na pag-aresto diumano kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa isang text message na ipinadala ni PNP PIO chief Col. Jean Fajardo sa SMNI, sinabi nitong wala silang impormasyong natatanggap para sa dating presidente.

Matatandaang, may paglilinaw rin kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa isyu at sinabing wala sa kanilang direktiba ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Nabigyan ng malisya ang pakikipagkita ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga sundalo sa Mindanao kamakailan, ngunit wala naman aniyang intensiyon na gumawa na labas sa itinakda nitong aktibo sa mga tropa nito.

Pinasinungalingan din ang napabalitang pagbuwag ng Task Force Davao, sa katunayan plano pa nila ang magdagdag ng puwersa sa malaking bahagi ng Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble