UMABOT na sa 6,794,527 doses ng bakuna ang naiturok ng Quezon City hanggang kaninang alas-8 ng umaga.
Ayon sa city government, nasa 2,606,078 na ang bilang ng fully vaccinated individuals sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 2,201,010 milyon dito ay fully vaccinated adults habang 405,068 naman ang bilang ng fully vaccinated minors.
Naitala naman sa 1,582,373 ang nabigyan ng booster shot o ng first at second booster.
Samantala, pumalo na sa 294,423 ang kabuoang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod kung saan 65 na lamang ang aktibong kaso, 291,992 na ang nakarekober at 2,366 ang nasawi sa sakit.