Naiturok na COVID-19 vaccines sa QC, pumalo na sa 5.58-M doses

Naiturok na COVID-19 vaccines sa QC, pumalo na sa 5.58-M doses

UMABOT na sa 2,408,750 ang fully vaccinated individuals, kabilang ang adult at minors sa Quezon City hanggang kaninang alas 8 ng umaga.

Ayon sa city government, kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Nasa 2,251,510 adult residents at workers naman sa QC ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.

Habang patuloy din ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity kung saan nasa 311,643 na bata na ang nabakunahan.

Sa kabuuan, 5,588,839 doses ng mga bakuna na ang naiturok ng lungsod sa kanilang #qcprotektado vaccination program sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.

Follow SMNI News on Twitter