Naiulat na nasawi dahil sa mga Bagyong Nika, Ofel, at Pepito, nasa 9—NDRRMC

Naiulat na nasawi dahil sa mga Bagyong Nika, Ofel, at Pepito, nasa 9—NDRRMC

NASA siyam ang naiulat na nasawi mula sa pinagsamang epekto ng Bagyong Nika, Ofel at Pepito ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang 8 AM bulletin nitong Miyerkules, Nobyembre 20, 2024, bagamat isinasailalim pa sa validation, ang mga nasawi ay pawang nagmumula sa Cagayan Valley.

Nasa 16 naman ang naiulat na sugatan at nagmumula ang mga ito sa Cordillera Region at Central Luzon.

Samantala, ang naiulat na missing ay nasa apat ayon sa ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble