Nasabat na malaking droga sa Batangas, isang high grade shabu—PDEA

Nasabat na malaking droga sa Batangas, isang high grade shabu—PDEA

AYON kay PDEA Deputy DG for Operations Asec. Renato Gumban, parang Swarovsky Crystal ang nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag Batangas nitong Abril 15, 2024.

‘Parang Swarovsky Crystal’. Ganito isinalarawan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General for Operations Asec. Renato Gumban kasunod ng ginawang inisyal na pag-aaral ng mga awtoridad sa nasabat na 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag Batangas nitong Lunes Abril 15, 2024.

Ani Gumban, malaki ang pagkakaiba ng itsura sa mga naunang nahuli ng mga awtoridad.

Batay sa opisyal na deklarasyon ng Philippine National Police (PNP) at PDEA, umabot sa 1.424 tonelada ang nasabing droga o katumbas ng P9.68-B.

Para sa DILG, ito pa rin ay maituturing na isa sa pinakamalaking huli ng pamahalaan sa kanilang laban kontra ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble