MULA 30, umakyat na sa 33 ang mga naiulat na nasawi sa masamang panahon dulot ng low pressure area (LPA), northeast monsoon at shear line.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Enero 19.
Sa mga naiulat na nasawi, 11 ang nagmula sa Region 9, 8 sa Region 10, 7 sa Region 8, 5 sa Region 5, 1 sa 11 at 1 sa Region 12.
Pero sa nasabing bilang, 18 ang na-validate na nasawi sa masamang panahon habang 15 ang isinasailalim pa sa validation.
Maliban dito, may naiulat din na 12 nasaktan at 7 nawawala.
Samantala, umabot na sa mahigit 412,000 pamilya o mahigit 1.6 milyong indibidwal ang naapektuhan ng masamang panahon sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.