Bukas na muli sa publiko ang Philippine National Museum

Bukas na muli sa publiko ang National Museum of the Philippines  simula ngayong araw Marso 2, 2021, halos isang taon mula nang tumigil ang operasyon nito dahil sa banta ng Covid-19.

Sa facebook post ng National Museum sa kanilang official page, inanunsyo nito na simula bukas ay tatanggap na muli ng bisita ang central museum sa loob ng Complex sa Rizal Park, ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology, at ang National Museum of Natural History.

Mananatili naman sarado ang National Planetarium hanggang wala pang inilalabas na bagong abiso.

Bukas na muli ang lahat ng Central Museum buildings mula martes hanggang sabado bukod sa religious holidays na may morning session mula 9 am hanggang 12 noon at afternoon schedule mula alas 1 ng hapon hanggang alas 4 ng hapon.

Limitado naman sa 100 per session ang bilang ng mga bisita sa kada museum at tanging 15 hanggang 65 anyos lamang ang maaring pumasok.

Kailangan rin nila magpapre-book ng kanilang pagbisita online sa national museum website, kahit isang araw bago ang kanilang planong tour.

Sa araw naman ng pagbisita, kailangan nakasuot ng facemask at face shield at isasailalim rin sila sa thermal scanning at kumpletuhin ang health declation form.

SMNI NEWS