BALIK na sa kulungan ang nawawalang inmate ng New Bilibid Prison na si Michael Cataroja.
Ito’y matapos mahuli ang 25-anyos na preso sa Angono, Rizal.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang, magsasagawa sila ng board of inquiry para matukoy kung paano ito nakatakas at kung sino ang dapat na managot.
Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pagkawala ni Cataroja matapos na mabiktima ng fake news si Department of Justice Sec. Boying Remulla nang tukuyin ang umano’y bangkay na walang ulo na natagpuan sa septic tank sa Bilibid na si Cataroja.