NAKAPAGTALA na ng 2,079 na kaso ng leptospirosis ang bansa mula Enero 1-Hulyo 15, 2023 ayon sa Department of Health (DOH).
Ang datos na ito ay mas mataas ng 59 porsiyento kung ikukumpara sa naitala noong nakaraang taon sa magkatulad na panahon.
Ayon kay DOH spokesperson Eric Tayag, dahil sa mga pag-ulan at pagbaha na naranasan sa mga nagdaang linggo, asahan nang tataas pa ang kaso ng leptospirosis sa darating na dalawa hanggang apat na linggo.
Maliban sa leptospirosis, ay maari din aniyang kapitan ang mga Pilipino ng sipon at ubo dahil sa mabilis na pagbabago ng lagay ng panahon kung saan pagkatapos bubuhos ang malakas na ulan ay biglang iinit.