Pag-block ng NTC sa CPP-NPA-NDF connected websites, may basehan – dating kadre

Pag-block ng NTC sa CPP-NPA-NDF connected websites, may basehan – dating kadre

IGINIIT ng dating kadre na miyembro ng CPP-NPA-NDF na may basehan ang pamahalaan upang i-block ng National Telecommunication Communication (NTC) ang mga connected websites ng nasabing komunistang teroristang grupo.

Ayon kay Jeffrey “Ka-Eric Celiz, may sapat na basehan ang hakbang ng pamahalaan laban sa mga website na sinasabing konektado sa teroristang kilusan.

Base sa press statement ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) kamakailan, nakasaad sa ikalawang talata na walang kapangyarihan ang NTC na i-block ang iba’t ibang news websites na umano’y pinaghihinalaang affiliated ng CPP-NPA-NDF.

“The NTC has no power to restrict access to news websites and members of the press based on mere allegations. Neither mauly it extend the scope of Anti-Terrorism Council’s designation order to “affiliates” at the barest invocation of terrorism,” pahayag ng IBP.

Giit pa ni Ka Eric, napapanahon na upang buwagin at tuluyang mawala ang mga media platform na ito ng CPP-NPA-NDF.

Ilan sa mga ito ay ang Bulatlat.com, Altermidya, Kudao Production, Philippine Revolution Web Central na NDF organization platform, Pinoy Weekly at Radyo ni Juan.

Tinawag naman na misinformed ni Ka Eric ang IBP dahil sa pinagsasabi nito hinggil sa ginagawang hakbang ng pamahalaan sa kampanya kontra terorismo.

Aniya, ang naturang pahayag ng IBP ay gagamitin lang bilang cover o depensa ng CPP-NPA-NDF.

Giit pa ng dating kadre, mukhang nakalimutan ng mga abogado ng IBP ang General Welfare Clause sa konstitusyon.

Kaugnay dito, sinabi naman ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na hihintayin niya ang hakbang na gagawin ng NTC hinggil sa kanyang request letter na i-block ang mga media na konektado sa CPP-NPA-NDF.

Follow SMNI News on Twitter