NAGAWANG i-extend ng New York Knicks ang winning steak nito sa ika-walong sunod na laro matapos nitong lampasuhin ang Golden State Warriors na nagtapos sa iskor na 132-94.
Sa buong tala ng laro ay hindi nagawang lamangan ng GSW ang Knicks kung saan inumpisahan nito sa 8-0 lead sa unang quarter.
Pinangunahan ni Immanuel Quickley ang Knicks na may 22 points na sinundan ni Brunson na may 21 points, Quentin Grimes na may 19 points at RJ Barrett na may 18 points.
Sa kabilang laro naman, pinangunahan nila Nikola Vucevic at Demar de Rozan ang Chicago Bulls sa panalo nito sa Miami Heat na nakapagtala ng 29 points at 24 points na nagtapos sa iskor na 113-102.
Nahirapan ang Heat sa laban dahil sa kawalan nila Jimmy Butler, Kyle Lowry, at Caleb Martin.