NANUMPA ngayong araw ang mga newly hired, promoted, and reclassed teaching personnel ng Department of Education (DepEd)-Marikina.
Pinangunahan ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro ang panunumpa kasabay ng pagkilala sa sakripisyo at paglalaan ng mahabang oras ng mga guro sa kanilang bokasyon.
Nanawagan naman si Teodoro sa pamunuan ng DepEd-Marikina na mabigyan din ng promosyon ang lahat ng mga guro sa siyudad na nagsasakripisyo para sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Samantala, kasama naman sa seremonya si Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni Mayor Marcy ang mga guro na turuang mabuti ang mga bata.
“May isang bagay ka lang na maituro sa bata, habambuhay na niya itong matatandaan,” ani Mayor Teodoro.
Suportado naman ng mag-asawang opisyal ang regular na pagsasagawa ng DepEd-Marikina ng hiring and promotion para sa teaching personnel nito.