North Korea, sasali na sa Asian Games

North Korea, sasali na sa Asian Games

SASALI na ang North Korea sa nalalapit na Asian Games.

Nasa 191 atleta ang kalahok dito ayon sa organizers.

Sasali ang mga ito sa events gaya ng athletics, gymnastics, basketball, football, boxing, at weightlifting.

Sa hakbang na ito ay matutuldukan na rin ang mahigit 3-taong hindi pagsali ng nabanggit na bansa.

Noong 2020, sa pasisimula ng COVID-19 pandemic ay hindi na sumali sa anumang sporting event ang North Korea at dahil sa hindi ito nakasali sa Tokyo Olympics noong 2021 ay nai-ban na rin ito sa 2022 Beijing Winter Olympics.

Follow SMNI NEWS on Twitter