Ocean Jet at Water Taxi sa Batangas, nagbanggaan

Ocean Jet at Water Taxi sa Batangas, nagbanggaan

AGAD na umaksiyon ang Philippine Ports Authority (PPA) sa insidente ng banggaan ng dalawang sasakyang pandagat sa Matoco Point, Batangas City, kung saan isa ang nasawi nitong Miyerkules, Enero 31, 2024.

Ayon sa Port Management Office ng Batangas, base sa ulat ng Vessel Traffic Management System (VTMS), umalis sa Batangas Port ang MV Ocean Jet 6 alas-11:26 ng umaga at inaasahang darating sa Calapan Port ng alas-12:35 ng tanghali, pero nagkabanggaan ito sa water taxi ng Hap & Co. na patungo naman ng Batangas Port, dakong alas-12:20 ng tanghali.

Mabilis na ipinaalam ng PPA-PMO Batangas ang nangyaring insidente sa Philippine Coast Guard (PCG) Batangas dahilan para makapagsagawa agad ng rescue operation at mailigtas ang mga pasahero ng dalawang sasakyang pandagat.

Lulan ng Hop & Go 1 ang limang pasahero at apat na crew, habang ang MV Ocean Jet 6 naman ay may 105 na pasahero at 19 na crew.

Sa kasawiang palad, isa ang nasawi sa crew ng Hop & Go habang ang mga na-rescue naman ay dinala sa Port of Puerto Galera.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter