NAGHAHANDA na ang Office of the Vice President para sa kanilang Senate budget hearing para sa taong 2023 matapos itong aprubahan ng Kongreso.
Nakatakdang depensahan ng OVP ang budget nito sa Senado sa Setyembre 29.
Pagtitiyak ni OVP Spokesperson Atty. Reynold Munsayac na nakahanda rin ang OVP na ipaliwanag nang mabuti ang lahat ng mga katanungan.
Ang OVP ay proposed budget na ₱2.3-bilyon para pondohan ang mga Projects, Programs and Activities (PPAs) nito na karamihan ay mga social services at livelihood programs.
Nagpapasalamat naman ang OVP sa kanilang budget sponsors at sa mga miyembro ng Kongreso dahil sa mabilis na pagpasa ng kanilang budget.