PATUNGONG China at India ang oil exports ng Russia imbis na sa Europa simula nang maipatupad ang iba’t ibang trade sanctions sa kanila.
Bago ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 2022 ay nasa 40-45 porsiyento ng kanilang oil products ang ipinapadala sa buong Europa ayon kay Russian Deputy Prime Minister Alexander Novak.
Ngayon, nasa 4-5 porsiyento na lang ang ini-export nila sa Europa.
Sa kabila nito ay umaabot naman sa 45-50 porsiyento ang inaangkat na langis ng China mula sa Russia habang nagiging isa sa main partners na rin ang India.
Tumaas na ani Novak hanggang 40 porsiyento ang inaangkat na langis ng India at dahil nga discounted na ang halaga ng dumarating sa kanila na imported crude ay naibebenta na rin nila ito sa kanilang European customers.
Ngayon ay inaasahan na aabot sa $98-B ang oil at gas revenues ng Russia gaya ng kita nila noong taong 2021 bago pa nagsimula ang pagsalakay nila sa Ukraine.