Ombudsman ipatatawag si Zaldy Co pagbalik sa Pilipinas

Ombudsman ipatatawag si Zaldy Co pagbalik sa Pilipinas

Ipatatawag ng Office of the Ombudsman si dating Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co sakaling makabalik na ito sa Pilipinas.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, itinuturing si Co bilang “fugitive from justice,” at kailangang maipasailalim muna ito sa hurisdiksiyon ng korte sa Pilipinas.

Sinabi pa ng Ombudsman, maaari lamang makapaglatag ng depensa si Co kapag nakakuha na siya ng abogado at nasa ilalim na ng legal jurisdiction ng bansa.

Nauna nang iniulat ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y pagkakaaresto kay Co sa Czech Republic kaugnay ng immigration violations at planong pag-uwi nito sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Department of Justice na nakikipag-ugnayan sila sa Czech authorities para sa posibleng pagbalik ni Co sa bansa sa ilalim ng International Anti-Corruption Cooperation Agreements.

Pero matatandaan na inihayag ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na hindi naaresto o nakulong si Co sa Czech Republic matapos itong personal na kumpirmahin sa kaniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter