Online Maid System ng Malaysia, maaaring gamitin sa lahat ng bansa – Home Affairs

Online Maid System ng Malaysia, maaaring gamitin sa lahat ng bansa – Home Affairs

INIHAYAG ng Home Affairs Ministry na maaaring gamitin ang Online Maid System ng imigrasyon sa lahat ng bansa at hindi lamang sa Malaysia.

Inihayag ni Home Affairs Minister Datuk Seri Hamzah Zainudin na ang Online Maid System (SMO) ng Immigration Department ay maaaring gamitin ng mga inaasahang domestic helper mula sa lahat ng pinagmulang bansa.

Nauna nang sinabi ni Indonesian Ambassador to Malaysia Hermono na pansamantalang ipinahinto ang pagtanggap ng job order para sa mga migranteng manggagawa sa lahat ng sektor.

Gayunpaman ang mga naaprubahan job order ay maaring ipagpatuloy para sa mga migranteng manggagawa sa Indonesia.

Ayon naman kay Hamzah Zainudin, ang Indonesia ay isa lamang sa pinagkukunan ng mga dayuhang manggagawa para sa Malaysia.

Sinabi nito na mayroon pang 15 source ang bansa kung saan maaari makakuha ng mga manggagawa upang matugunan ang labor demand sa bansa.

Bukod pa rito, sinabi rin nito na pabibilisin ang pag-iisyu ng mga work permit para sa mga dayuhan sa ilalim ng recalibration program.

May kabuuang 418,528 foreign workers na kinabibilangan ng 30,000 employer ang nagparehistro sa ilalim ng labor recalibration program na natapos noong Disyembre 31.

Sa ngayon ay may kabuuang 335, 276 individual ang dumaan sa verification process ngunit 114,121 lamang ang nakatanggap ng work permit.

Follow SMNI News on Twitter