Online selling, nais higpitan ng PNP

Online selling, nais higpitan ng PNP

ISUSULONG ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon kaugnay sa online selling.

Kasunod ito sa napansin ng PNP na laganap ang pagbebenta ng ipinagbabawal na paputok sa pamamagitan ng iba’t ibang online platforms at courier services noong holiday season.

Sa ulat ng Anti-Cybercrime Group, naaresto nito ang ilang indibidwal na nagbebenta ng mga paputok sa pamamagitan ng Facebook ilang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay PNP chief Benjamin Acorda, Jr., umapela na siya sa Kongreso sa posibleng pagbuo ng isang batas kung saan makokontrol ang mga transaksiyon sa pagitan ng courier services at online sellers upang hindi maipuslit ang mga ipinagbabawal na mga produkto gaya ng firecrackers at maging ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter