OVP nasagawa ng relief ops sa fire victims sa Tacloban City

OVP nasagawa ng relief ops sa fire victims sa Tacloban City

NAGSAGAWA ng relief operations ang Office of the Vice President (OVP) para sa mahigit 100 pamilyang apektado ng sunog sa Brgy. 39, Calvary Hill, Tacloban City noong Pebrero 21, 2025.

Sa pangunguna ng OVP – Eastern Visayas Satellite Office, may kabuuang 124 Relief for Individuals in Crisis and Emergencies (RICE) Food Bags ang napaimahagi sa mga nasunogan.

Nagpapasalamat ang OVP sa aktibong suporta ng opisyales ng Barangay 39 sa kanilang pakikipagtulungan upang mapabilis at maayos ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Layunin ng OVP na patuloy na maghatid ng agarang tulong sa mga apektado ng mga kalamidad.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble