HANGGANG ngayong araw na lang, Marso 14, 2025, ang binuksang two-day auditions ng Hong Kong Disneyland para sa Pinoy musicians na maaaring makapag-perform para sa kanilang 20th anniversary.
Ang audition ay isinasagawa sa Steps Dance Studio, 8465 Kalayaan Avenue, Makati City simula alas otso ng umaga.
Sa mga interesadong aplikante ngayong araw ay kailangang magdala ng piano at percussion instruments.
Kailangan din na 21 years old ang isang aplikante at handang mag-relocate sa Hong Kong sa buong itatagal ng kanilang kontrata.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring mag-inquire sa venue.
Follow SMNI News on Rumble