OVP, pinaiimbestigahan sa QCPD ang ‘VIP’ na nasa likod ng pagsasara ng isang bahagi ng Commonwealth–OVP

OVP, pinaiimbestigahan sa QCPD ang ‘VIP’ na nasa likod ng pagsasara ng isang bahagi ng Commonwealth–OVP

PINAIIMBESTIGAHAN ng Office of the Vice President sa Quezon City Police District (QCPD) ang ‘VIP’ na nasa likod ng pagsasara ng isang bahagi ng Commonwealth Avenue.

Ito ay kasunod ng isang video na nagviral sa social media at idinadawit si Vice President Sara Duterte sa pagsasara ng nasabing kalsada na nagdulot ng matinding trapiko.

Iginiit ng OVP na walang kinalaman si Vice President Duterte sa pagkagambala ng trapiko.

Paliwanag ng OVP na nasa Mindanao si Vice President Duterte para sa World Teacher’s Day at iba pang aktibidad.

Dagdag pa ng ahensya na hindi kailanman humiling at hihiling si Vice President Duterte sa QCPD at sa mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng mga aksyon na makakaistorbo sa publiko o magdudulot sa kanila ng pinsala.

Sabi ng OVP na laging uunahin ng pangalawang pangulo ang interes at kapakanan ng publiko kaysa sa kanyang pansariling interes at pribilehiyo.

Kumakalat lang anila ang viral video ng nakakapinsalang impormasyon at puro kasinungalingan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter