P100M production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa, nakahanda nang ipamahagi—DA

P100M production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa, nakahanda nang ipamahagi—DA

NAKAHANDA nang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang P100M na production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa.

Ayon kay DA Usec. Deogracias Victor Savellano, may higit 16K na tobacco farmers ang mabibigyan ng tig-P6K cash assistance bago ang Disyembre 15, 2024.

Ito ay para sa kanilang Cropping Year 2024 – 2025.

Sa kabuuang bilang, higit 9K magsasaka ang naitala sa ilalim ng Tobacco Contract Growing System (TCGS) program ng National Tobacco Administration (NTA) habang 7.6K (7,611) ang non-TCGS farmers.

Ang mga tatanggap ay natukoy ng NTA base sa itinakdang guidelines at inaprubahan ng NTA governing board.

Bago ang aktuwal na distribution ng cash assistance, tinitiyak ng NTA na kumpleto ang requirements ng mga magsasaka at makakapagtanim ng tabako ngayong planting season.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay mula sa Abra, Batac sa Ilocos Norte, Cagayan, Candon Ilocos Sur, Isabela, La Union, Mindanao Pangasinan, at Vigan sa Ilocos Sur.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble