AABOT sa higit dalawa punto dalawang milyong piso na halaga ng marijuana bricks ang nasabat sa isang anti-illegal drug operation sa Tabuk City, Kalinga nitong Huwebes, Pebrero a-trese.
Nasabat ang nasabing iligal na droga na tumitimbang ng mahigit 19,000 gramo sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kapulisan.
Ayon sa PDEA Region 2, matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na gawain ng suspek na kinilalang alyas Jun, agad nilang inilatag ang isang entrapment operation.
Sa gitna ng operasyon, nagawa namang makatakas ng suspek, dahilan upang maiwan ang mga kontrabando.
Mahaharap naman ang pinaghahanap na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.