P23M halaga ng shabu, nasabat sa Caloocan—NCRPO

P23M halaga ng shabu, nasabat sa Caloocan—NCRPO

ISANG high value individual ang naasakamay ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng 3,420 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa Caloocan, araw ng Huwebes, Nov. 28, 2024.

Isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga tauhan ng Caloocan City Police na ikinadakip ng isang high value individual at tatlong iba pang kasamahan nito sa bahagi ng King Faisal, Phase 12, Brgy. 188, Caloocan City.

Nagkakahalaga ang shabu ng humigit-kumulang P23M.

Pinuri naman ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang resulta ng operasyon sa ilalim ng pakikipagtulungan ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit, Caloocan CPS, at PDEA.

Agad na dinala sa kostudiya ng Caloocan Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal ay paglabag sa Republic Act 9165, o “Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.

“This is only the first of many more high-profile anti-drug operations which we will consistently launch in Metro Manila in adherence to our uncompromising stance against the evils of the illegal drug menace. Great job Caloocan CPS!” saad ni PBGen. Anthony A. Aberin, Acting Regional Director, NCRPO.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble