P3-B fund transfer ng DICT sa MMDA, pinagdududahan ng isang kongresista

P3-B fund transfer ng DICT sa MMDA, pinagdududahan ng isang kongresista

SA kanyang privilege speech sa Kamara nitong Miyerkules, Nobyembre 23 ay sinita ni Northern Samar Rep. Paul Daza ang fund transfer o pasahan ng pondo sa pagitan ng dalawang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Daza, kailangan kasi itong ipagpaalam muna sa kongreso bago ito mangyari.

Kaya ang P3-B budget ani Daza ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa kanilang WiFi for all program na inilapat sa MMDA, nakakaduda.

 “We were informed that the DICT downloaded P3-4 billion of this allocation mainly to the MMDA and several LGUs through a memorandum of agreements or MOAs. This is an example of what we call an inter-agency transfer. But this one, in particular, doesn’t have clear guidance from Congress which is mandated to act the General Appropriations Act,” ani Daza.”

At ayon kay Daza, magagawa lamang ang agency-to-agency transfer kapag may pahintulot sa kanila bilang tagapanday ng pambansang pondo.

Pero sa pagkakataong ito, walang paalam ni abiso sa kanila ang mga nabanggit na ahensya.

 “Making this transaction or this inter-agency transfer or MOA agreement is highly suspicious. If not highly illegal,” dagdag pa nito.

Sagot naman dito ng MMDA, no need na ang approval ng Kongreso para sa transaksyon.

Dahil ang perang inilipat ng DICT sa MMDA ay gagastusin sa kaparehas na proyekto ngayong taon.

“Actually sa amin pong research, hindi na po kailangang magpaalam sa Kongreso. Dahil hindi naman po binago ang purpose ng pondo for which it was allocated. Ito po ay galing sa spectrum user’s fund previously allocated by Congress sa DICT. Ang nag-iba lang po ay yung implementing agency,” ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes.

Niliaw naman ni Artes ang isyu kung bakit isa lang ang nag-bidding sa proyekto batay sa privilege speech ni Congressman Daza.

“Marami pong nag-inquire diyan, may mga nareceive din po kaming mga sulat mula sa iba’t ibang potential bidders. It’s just that isa lang po ang nag-bid na beyond our control,” ayon pa kay Artes.

Sa tantiya ng MMDA, magagamit na ng taumbayan ang proyekto sa susunod na 6 na buwan mula ngayon.

Follow SMNI NEWS in Twitter