SIMULA bukas ng Disyembre 5 ay sisimulan na ang pagbebenta ng P40/kg ng bigas sa ilalim ng Rice for All program ng Agriculture Department (DA).
Isang Kadiwa ng Pangulo kiosk ang ilalagay sa 5 malalaking palengke sa Metro Manila.
Bukod diyan, maglalagay rin ng kiosk o stall sa MRT North Avenue station at LRT Monumento Station.
Bukas ito mula Martes hanggang Sabado ng 8 AM-5 PM.
Sabi ng DA, wala anilang limitasyon sa pamimili ng P40/kg na bigas.