Nasamsam ang mahigit P43-M hinihinalang shabu mula sa isang 65-anyos na Romanian na naaresto sa NAIA Terminal 3 matapos makumpiskahan ng higit anim na kilo ng ilegal na droga.
Dumating ang suspek sakay ng flight mula Hanoi, Vietnam nitong Lunes, Nobyembre 16, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Nadiskubre ang droga matapos mapansin ng Bureau of Customs (BOC) inspector ang kahina-hinalang laman ng kaniyang luggage sa routine X-ray screening. Kinumpirma naman ng K-9 inspection ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang presensiya ng ilegal na droga.
Nakaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.
