NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) Port ng Clark ang 962 gramo ng shabu na itinago sa loob ng travel mugs.
Ayon sa BOC, Marso 11, 2022 nang dumating ang shipment mula Johannesburg, South Africa.
Kabilang sa nadiskubre sa isinagawang physical examination sa kargamento ang 1 pirasong snow sock, 2 piraso ng body vest, 2 piraso ng baby grow, isang sheep snow blanket, at apat na pirasong Contigo travel mugs na naglalaman ng 962 gramo ng powdered substance ng hinihinalang shabu na itinago sa pagitan ng mga layer ng mugs.
Sinabi ng BOC na itinurn-over sa PDEA ang droga para magsagawa ng chemical laboratory analysis kung saan nakumpirma na shabu nga ang nakumpiska.
Nag-isyu naman ang BOC ng warrant of seizure and detention laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.