INANUNSIYO ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng mga domestic at wild birds pati na ang kanilang by-products mula Belgium.
Dahil ito sa pagkalat ng bird flu sa naturang bansa.
Kasama sa mga by-product ang karne ng manok, sisiw na isang araw pa lamang, itlog at semilya.
Tanging mga kargamentong naglalaman ng mga produktong manok na kinatay o ginawa noong Pebrero 3 o mas maaga pa ang papayagang makadaan, maikarga, at makapasok sa bansa mula Belgium.
Papayagan ding makapasok ang mga kargamento mula Belgium na nasa biyahe, nakarga, o tinanggap na sa pantalan bago pa man inanunsyo ang import ban basta’t ang mga produkto ay kinatay o ginawa bago ang Pebrero 3.