Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng guarantee letters sa ilalim ng AICS program simula Nobyembre 30.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, gagawin ito upang makumpleto ang annual liquidation at mabayaran ang mga obligasyon sa mga service provider.
Nilinaw naman ng ahensiya na tuloy ang pamamahagi ng outright cash assistance para sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan.
Patuloy ring tatanggap ng mga kliyente ang DSWD field offices at satellite offices sa buong bansa.
Inaasahang magbabalik ang pag-iisyu ng guarantee letters sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.
