Pag-imbestiga, unahin bago ang pagtuturo—Arnie Teves

Pag-imbestiga, unahin bago ang pagtuturo—Arnie Teves

UNAHIN ang pag-imbestiga bago ang pagtuturo.

Ito ang naging payo ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. sa mga kinauukulan sa panayam ng SMNI News.

Ayon pa kay Teves, hindi naging makatarungan ang ipinataw na suspensiyon laban sa kaniya ng Kamara lalo na absent lang siya ng 30 araw.

Sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC), bago maikokonsiderang absent without leave (AWOL) ang isang empleyado ay dapat mayroon itong 50 absent.

Samantala, noong Miyerkules, Mayo 16 nang maisampa ang kaso laban kay Teves kaugnay umano sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kabilang sa mga kasong ito ay 10 counts ng murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter