Pag-imprenta ng “official ballots” para sa 2022 elections, inumpisahan na ng Comelec

Pag-imprenta ng “official ballots” para sa 2022 elections, inumpisahan na ng Comelec

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na inumpisahan na ang pagprinta ng “official ballots” para sa 2022 elections.

Batay sa tweet ni Comelec Spokesperson James Jimenez, Linggo ng umaga ay inumpisahan na ang paglimbag ng mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gagamitin para sa May 9, 2022 automated election system.

Unang isinalang sa priting machine ay ang mga balota para sa Lanao del sur na nasa 685,643 ballots.

Sa kabuuan nasa 2,588,193 ang kailangang I print para sa BARMM.

Sa kanyang tweet ay ipinakita din ni Jimenez ang test run para sa printing ng ballot design.

Kinumpirma din ni Jimenez na, as of Sunday, ay kumpleto na ang printing para 60,000 na balota para sa  sa manual local absentee voting at overseas absentee voting.

Ito ay inumpisahan ng Huwebes ng nakaraang linggo.

Ang LAV ballots ay ilalaan para sa government officials, police at military officials at personnel, at mga miyembro ng media na rehistrado bilang local absentee voters.

Una nang sinabi ng Comelec na sobra sa 67 million official ballots ang kailangang i-print para sa 2022 national and local elections sa May 09.

SMNI NEWS