Pagbabalik ng limited face-to-face classes ng UST para sa kursong medikal, inaprubahan

INAPRUBAHAN na ni Manila Mayor Isko Moreno ang panukala ng University of Santo Tomas (UST) na ipagpatuloy ang limited face-to-face classes para sa kanilang medical at allied health programs.

Kinumpirma ito ng Manila Public Information Office kahapon, Enero 3.

Batay sa joint memorandum circular ng Commission on Higher Education at Department of Health, kinakailangan ng mga higher educational institution na nais magsagawa ng limited face-to-face classes na komonsulta sa kanilang respective local government units sa kanilang plano kung paano tutugon sa government protocols laban sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.