Pagbabalik sa bahagi ng Camp Lapu-Lapu sa Cebu Provincial Government, sinuportahan ng AFP VisCom

Pagbabalik sa bahagi ng Camp Lapu-Lapu sa Cebu Provincial Government, sinuportahan ng AFP VisCom

NAGPAHAYAG ng suporta ang AFP Visayas Command (VisCom) sa pagbabalik ng mga lote na inookupa ng Camp Lapu-lapu sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu.

Nilagdaan nina Defense Secretary Carlito Galvez Jr. at Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang isang memorandum of agreement (MOA) na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Dumalo rin sa aktibidad sina AFP Chief of Staff General Andres Centino, AFP VisCom Commander Lieutenant General Benedict M. Arevalo at ilan pang AFP Senior Officers.

Sa ilalim ng nilagdaang MOA, ibabalik ng Department of National Defense (DND) ang mga titulo ng 18 lote na inookupa ng militar sa Cebu.

Habang ibabalik din ang isa sa 13 natitirang titulo kapag natapos na ang relokasyon ng mga apektadong pasilidad ng DND-AFP.

Nabatid na ang Cebu ay maglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mga pasilidad at imprastraktura ng VisCom at ang mga displaced unit nito sa kanilang bagong location site.

Follow SMNI NEWS in Twitter