Pagbangon ng Marawi City, siniguro ni PBBM

Pagbangon ng Marawi City, siniguro ni PBBM

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagbangon ng Marawi City.

Sakaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), nabanggit ni PBBM na muling babangon ang Marawi City at makakamit ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kapayapaan.

“Limang taon mula noong matinding kaguluhan, babangon na ang Marawi City,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Isa lang ito sa mga binitawang salita ni Pangulong Marcos sa kaniyang SONA nitong Lunes.

Sa kaniyang pagharap sa sambayanang Pilipino, sinabi ng Pangulo na unti-unti nang bumabalik ang sigla sa Marawi City dahil sa mga nakumpleto aniyang mga proyekto at imprastraktura.

“Nanunumbalik na ang sigla sa pamayanan. Maraming proyekto anq nakumpleto at mga imprastrakturang naitatayo,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Gayunpaman, sinabi ni Pangulong Marcos na kahit bumabangon na ang mga mamamayan sa Marawi ay hindi pa rin ito pinapabayaan ng pamahalaan.

Patunay dito ang kasalukuyang pagproseso sa mga dapat gawin upang mabigyan ang mga residente sa Marawi ng tulong-pinansiyal upang makapagsimulang muli.

“Kasalukuyan na tayong nagpoproseso ng tulong-pinansyal para sa mga biktima ng Marawi siege upang sia ay makapagsimula muli,” aniya.

Dahil dito, tiwala ang Pangulo ng bansa na magiging progresibo ang Marawi City.

“We are proud of the progress that the BARMM has taken. It will be self-governing, it will be progressive, and it will be effective,” aniya pa.

Dagdag pa ng Pangulo na dahil sa kooperasyon ng iba’t ibang grupo at ahensiya ay naging positibo ang pagbangon ng Marawi City.

“But this was only made possible because of the cooperation of all key groups. We talked to the local governments, the royal families, the MNLF and the MILF were all consulted and represented in this transition phase,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Samantala, kung matatandaan sinabi ng bagong talagang AFP chief of staff na si General Romeo S. Brawner na bibigyan nito ng special attention ang normalization process ng BARMM upang tuluyan nang makamit ang kapayapaan hindi lang sa Marawi City kundi maging sa buong Southern Philippines.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter