KINUMPIRMA ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Senior Vice President Raul Villanueva na mayroong 12 ilegal na POGO na sa Cebu Province batay sa kanilang intelligence report.
Nagsimula ani Villanueva ang operasyon ng mga ito mula taong 2020.
Bukod dito, mayroon din isang ilegal na POGO sa Cagayan de Oro habang ang karamihan aniya ay nasa Metro Manila.
Inaalam pa ng PAGCOR kung nagpapatuloy pa ba ang mga operasyon ng mga ito.
Sa kaniyang State of the Nation Address kamakailan, ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagpasasara ng lahat ng mga POGO sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.