TARGET ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na madagdagan ang galaw ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mula sa 40-42 kada oras alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr), nais nilang gawin ito ng 48 na eroplano kada oras.
Natalakay na rin ito ng CAAP sa pakikipagtulungan sa Hong Kong Civil Aviation Department sa sidelines ng Changi Aviation and Airshow sa Singapore kamakailan.
Kasama ni CAAP Director General Manuel Tamayo si Deputy Director General for Administration Atty. Danjun Lucas na nakipagpulong kay Hong Kong CAD Chief Air Traffic Control Officer Mr. Samuel Ng upang talakayin ang mga pamamaraan para sa makatwirang pagtaas ng bilang ng mga paggalaw ng eroplano kada oras.