Pagdami ng bilang ng mga Chinese student sa Cagayan, pinaiimbestigahan

Pagdami ng bilang ng mga Chinese student sa Cagayan, pinaiimbestigahan

GUMUGULONG na ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa dumaraming bilang ng mga estudyanteng Tsino sa iba’t ibang paaralan sa Cagayan.

Sa panayam ng media sa Camp Aguinaldo, kinumpirma nila na namataan ang mga estudyanteng ito na umiikot sa EDCA sites bagamat hindi pa ito malinaw para sa AFP kung banta ito sa seguridad sa bansa.

Nabatid na mga espiya diumano ang mga ito ng bansang China ngunit agad rin itong pinabulaanan ng AFP hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Batay sa datos ng AFP, nasa 4-K Chinese students ang nag-enrol sa iba’t ibang kolehiyo at paaralan ng lalawigan pero wala naman silang namamataan pa sa ngayon na kahina-hinalang kilos ng mga ito.

Matatandaang isa ang lalawigan ng Cagayan na bahagi ng strategic location mula sa inaprubahang EDCA sites sa hilagang bahagi ng bansa.

Sa kabilang banda, tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan na dumaan sa tamang proseso ang mga estudyante kasama ng kaukulang dokumento gaya ng pagkakaroon ng student visa sa ilalim ng ginawang kasunduan sa pagitan ng CHED at Ministry of China noon pang 2019.

Follow SMNI NEWS on Twitter