Pagiging mahina ng Pilipinas, dahilan kaya naiipit sa giyera at ginagamit ng ibang bansa—Ex-DND Secretary

Pagiging mahina ng Pilipinas, dahilan kaya naiipit sa giyera at ginagamit ng ibang bansa—Ex-DND Secretary

MARIING kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilegal at agresibong aksiyon ng China malapit sa Ayungin Shoal nitong Hunyo 17 na nagresulta sa pagkasira sa barko ng Pilipinas at pagkasugat ng isang Navy personnel.

Dahil sa panibagong insidente ng pambu-bully ng China ay marami na namang Pilipino ang nagagalit at gusto nang makipag-giyera sa mas malakas na China.

Ngunit para sa dating kalihim ng Department of National Defense at National Security Adviser sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo – hindi dapat nagpapadala ang mga Pilipino sa mga pambu-bully ng China.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Gonzales, sinabi niya na ang ginagawa ngayon ng China sa South China Sea ay hindi pa maituturing na actual threat of war.

“Tingin ko lang ‘wag tayong padala sa kasi kinukuwan tayo eh ‘ika nga binubully ka eh di ba? ‘Wag ka masyadong pumatol diyan, hindi tayo masyadong pumatol dahil alam natin dahil ang aksyon ng China is more bullying than an actual threat of war,” pahayag ni Norberto Gonzales, former Secretary of National Defense.

Ipinaliwanag niya na kaya hindi natatapos ang usapin sa mga pinag-aagawang teritoryo ay dahil hindi nirerespeto ng malalaki at mayayamang bansa ang Pilipinas.

“Mukhang hanggang sa ngayon hindi malinaw ang policies sa West Philippine Sea kasi because of one important element alam mo kunwari sa pakikipag-usap hindi ka ginagalang ng kausap mo hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap sa ngayon kasi kulang sa paggalang ang ibang bansa sa Pilipinas hindi lang China pati ibang bansa medyo mababa ang tingin sa atin as a country” ani Gonzales.

Dumagdag pa aniya sa kaguluhan ang pagpapalit ng liderato ng communist party ng China na kung saan nais nitong makikala bilang isang super power na bansa.

“Hindi natin masasabi na ngayon nangyayari ‘yan nagkataon lang na right after GMA nung pumapasok na si Pnoy nagpalit ng liderato ang Communist Party of China kasi ang dapat tignan natin diyan ‘yung pananaw nung bagong namumuno sa China kunwari nung panahon namin ni GMA medyo moderate eh ngayon ang namumuno sa China naghahangad na maging super power ang China kaya iba ang kanyang pagkilos at talagang nagkataon din na para patibayin niya ang kanyang pamumuno kailangan may external enemy ang China kaya ang pinakamagandang external enemy Philippines dahil madaling talunin” aniya.

Hindi lang aniya ang pagiging mahina ng Pilipinas ang dahilan kung bakit tayo naiipit sa giyera, dahil nagagamit din aniya tayo ng mga dayuhan gaya na lamang ng mga Amerikano.

“Dapat alam na natin yan bakit ka ginagamit? Eh kasi ang dali mong gamitin kaya kailangan patibayin natin kaya alam mo yung nagrereklamo ka na hindi mo naman kaya panindigan ang reklamo mo very important to us a people and as a nation to begin show some substance and strength kailangan ipakita mo ‘yan eh kaya ka ginagamit ng amerikano eh anong magagawa natin? Nakakalungkot nga ginagamit ka na ginagawa ka pang utusan that’s reality because that’s the appreciation of the world when it comes the Philippines,” aniya.

Para kay Gonzales, wala rin aniyang mangyayari kung mag-uusap ang lider ng China at Pilipinas.

“Kung tatanungin nyo ko ang pag-uusap ng dalawang lider hindi magiging fruitful as of now ang importante ipakita muna ng Pilipinas na kaya dapat siyang irespeto ng China, sa ngayon hindi pa natin naipapakita ‘yan what we have is an armed forces na kulang sa gamit, maliit tapos ang tingin naman sa lipunan madaling suhulan, kurap, mga utusan lang ng mundo ‘yan, ‘yan ang tingin sa atin so pano ka makikipag-usap sa isang Xi Jin Ping? na lider ng isang malaking bansa na gusto pa maging lider ng daigdig” diin ni Gonzales.

Ang mas mainam nga aniyang gawin ng ating bansa ay ang tumayo sa sarili nitong mga paa at ipakita sa buong mundo na kahit wala tayong malalakas na kagamitang pandigma ay kaya pa rin nating ipagtanggol ang ating soberanya sa pamamagitan ng ating pagiging makabayan.

“Kailangan kung tayo’y gagawa ng kilos, tignan nating mabuti ‘yan ano ang kailangan nating gawin para igalang tayo ng ibang bansa,” aniya.

“Para tayo respetuhin ng China at ng ibang bansa sa paligid natin kailangan ipakita natin na tayong mga Pilipino may sariling plano may sarili tayong nararapat gawin na medyo makaka-contribute tayo sa pagpipigil ng giyera,” dagdag nito.

“Kung maipapakita natin ‘yan malaking epekto sa dialogue kaya nga ako ina-advocate ko ‘yung pagbabalik ng mandatory military service during this time kasi ‘yan ang major advantage natin,” pagtatapos ni Gonzales.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter