ISA ang The Fraternal Order of Eagles Philippines sa libu-libong non-government organization (NGO) sa bansa na handang tumulong sa gobyerno.
Layunin ng nasabing grupo na maiangat ang estado ng kahirapan ng mga kababayan sa Pilipinas.
Partikular sa kanilang tinututukan ay mabigyan ang bawat bata ng tamang edukasyon.
Batay kasi sa basic education report ng Department of Education (DepEd), sinasabing nasa krisis ang edukasyon sa bansa.
Ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing III, bilang miyembro din ng The Fraternal Order of Eagles Philippines, ay nararapat lamang na magkaroon ng reporma sa bagay na ito.
‘‘Pagkagaling ng ating mga teacher, pagkakaroon ng tamang classroom, maprotektahan ‘yung ating mga estudyante at importante diyan ‘yung mga teacher ay mabigyan ng tamang training and alituntunin,’’ ayon kay Usec. Epimaco Densing III DepEd.
‘‘Kung gusto natin magkaroon ng pagbabago ang ating bayan, bawat isang Pilipino ay may kontribusyon hindi kailangang malaki. Isang maliit na kontribusyon kapag pinagsama-sama ay magiging malaki at matagumpay ito,’’ dagdag ni Usec. Densing.
Bilang tulong sa pamahalaan, ang The Fraternal Order of Eagles Philippines partikular na ang OKADA Elite Eagles ay nagkakaloob ng libreng edukasyon.
Sa paraang ito ay unti-unti umanong matutugunan ang krisis sa edukasyon na ilan sa nagpapahirap sa mga Pilipino.
‘‘Naniniwala kami doon sa kasabihang, sinabi nga ng Pambansang Bayani, ‘’Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan’’ and of course we are standing behind our Vice President na sa kaniyang ginagawa,’’ ayon naman kay Jenzen Turica President, OKADA Elite Eagles.
Kaya naman target ng OKADA Elite Eagles na palawakin pa ang pagtulong sa mga kabataan.
‘‘Last year ay umabot sa 4,000 ang natulungang kids. Nagbigay kami ng mga scholarship, school supplies, and medical assistance and come next year ay plano naming triplehin ‘yung aming natutulungang bata. So, from 50 scholar ay gusto naming maging 300 ‘yung scholars naming..,’’ dagdag pa ni Turica.
Ang pahayag ng mga nabanggit na opisyal ng The Fraternal Order of Eagles Philippines ay kasunod ng isinagawang induction ceremony para sa mga bagong miyembro ng grupo.
Nasa 70 indibidwal ang nagnanais na maging bahagi ng The Fraternal Order of Eagles Philippines at isa na rito si Gab Atayde.
‘‘The importance of having an organization such as Eagles, because of the advocacies of different ways of helping the community and for me that’s, parang basic for me na important to do so to find an outlet the fraternity,’’ saad ni Gab Atayde, New Member, The Fraternal Order of Eagles Philippines.
Dumalo naman sa nasabing aktibidad si Sen. Mark Villar na miyembro din ng The Fraternal Order of Eagles Philippines.
Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng grupo sa lipunan.
‘‘Home grown ko ang Fraternal Eagles of the Philippines, malaking organizational at napakaganda ng aming layunin. Siyempre tumutulong tayo sa gobyerno, hindi kaya ng resources ng gobyerno kaya malaking bagay na rin na may ganitong organization para madagdagan ang services para sa mga kababayan,’’ ayon kay Sen. Mark Villar, Republic of the Philippines.
Ang OKADA Elite Conqueros Lady Eagles Club naman ay nagbibigay ng entrepreneurs’ seminars sa mga kababaihan.
‘‘Upang sila ay maging aktibong kaparte ng ating pamahalaan, we involved them in many socio-civic activities like serving our children, tree planting, our elderly at higit sa lahat ang ating mga kababaihan na ma-encourage sila na maging entrepreneurs at better contributor of economic development of the country,’’ ayon kay Usec. Astra Naic, President, OKADA Elite Conqueros Lady Eagles Club.
Samantala, nagpasalamat naman si Usec. Densing sa mga naniniwala sa kaniyang kakayahan bilang isang opisyal ng pamahalaan.
Ito ay matapos lumabas sa isang survey na nasa ika-apat na bilang ito na pasok na maging susunod na senador ng bansa.
‘‘We are not looking an as personal ambition dahil nandito tayo sa gobyerno para magsilbi. Thank you for putting me number 3 or number 4 sa survey but I will ignore it, pasensya na kayo, I will ignore it kasi I need to work. When in working we don’t need to become popular about it. Popularity to me is secondary and what is my objective in government is really to help our country,’’ diin ni Densing.